Joke Time        Page 1 of 2        Goto page 1, 2  Next

para may mabasa lang

DotaStrategy.com Forum Index > Joke Time > para may mabasa lang

Reply to topic
 Goto page 1, 2  Next

chico


Dominating Posts: 194 Joined: 04 Jan 2007 gold

Posted: Sat Apr 28, 2007 1:26 am

Okay. So natanggap na ako nung November sa NCCA bilang researcher. Contract
employee lang. 3 months. May Yearbook project kasi sila at kailangan ng
extrang tao.

Okay lang ang bayad, kaso may 10% withholding tax, at siyempre, dapat may
Tax Identification Number ako. So tinanong ko yung boss ko- "Sir, di po ba
yung employer ang maglalakad ng TIN ng employee?" Sagot ni bosing- "Di ka
kasi regular employee kaya dapat ikaw ang maglakad ng TIN mo."Assurance nung
assistant ni bosing- "Okay lang yan, one-time hassle lang yan."

Ala ako problema. Sige, ako maglalakad ng TIN ko. Tutal, ano ba ang worst
case scenario? Mahabang pila? Red Tape? Naknamsiomai, sanay naman ako sa UP
e- kuhaan ng classcards, pila sa registration, pila sa graduation, etc.

Ako rin naman ang naglalakad ng registration ng! beetle ko, at sa pagrerenew
ko ng lisensya, so okay lang.

Sabi ni bosing, dun daw ako mag-apply ng TIN sa BIR Main, sa may QC, para
mas konti ang pila! . May BIR din naman sa labas ng Intramuros, walking
distance para sa mga sanay maglakad, pero mas konti raw ang tao sa Main.

So, sige, nagpaalam ako, isang araw mag-aabsent ako para lakarin yun. Dun
ako sa Main, dahil malapit lang sa amin, tapos plano ko, dadaanan ko yung
ilang research materials sa UP. Solve!

Pagdating ko sa BIR Main, nagulat nga ako dahil wala ngang katao-tao. Ni
wala akong nakitang pila, maliban lang dun sa pila sa harap, dahil
tsinecheck nung sekyu yung bag ng mga tao. Nung pagpasok ko, wala pala
silang TIN forms. Wow. Naubusan ng TIN Forms ang BIR Main. Hanep.

Tinanong ako nung lalaki sa desk kung para saan yung TIN application ko,
sabi ko, para sa work. Tinanong kung saan ako nagtatrabaho, sabi ko sa
Intramuros.
!
"Dun ka mag-apply sa Intramuros." sabi nung lalaki.

"Di po ba puwede talaga rito?"

"Hinde, kasi sa Intramuros ka e, sila ang may hawak sa 'yo."

Okay lang, although medyo naburat ako sa efficiency nila. Ibig kong sabihin,
wow, Main BIR sila tapos una, naubusan sila ng TIN Forms, pangalawa, ewan,
ang laki-laki ng saklaw nilang lugar, ang laki-laki ng mga building nila,
tapos hindi nila ako ma-accommodate.

Taragis, e malamang sa kanila rin naman mauuwi yung records ko kung sa BIR
Davao o BIR Batanes ako mag-apply, dahil tutal, Main sila e, di ba? ! So ala
na akong magawa, ala rin silang TIN Forms, so useless din kung magprotesta
pa ako dun. So pumunta na lang akong peyups ( U.P.) for official
business,for the first time.

Hehehe!

Pagpasok ko sa work, sinubukan kong lakarin yung TIN application ko sa BIR
sa labas ng Intramuros, yung malapit sa port area. Pag-akyat ko sa
taas,hinanapan ako ng certificate of employment, at barangay clearance.

At dahil walang nagsabi sa akin na kailangan ko nun, lalo na yung lalaki sa
BIR Main, wala akong bitbit na requirements.

Pagbalik ko sa opisina, inexplain ko sa bosing namin yung problema.
Nakatingin sa akin yung bosing ko na parang nawe-weirdohan din at di
maintindihan yung paghihigpit ng BIR. Lintek, sabi nga nung isang workmate
ko, the fact na nag-apply na ako for TIN, dinedeclare ko na sa gobyerno na
puwede na nilang kupitan, err, kaltasan ang maliit kong suweldo.

Ako na nga ang magbibigay ng pera sa kanila, ako pa ang hinihigpitan.
Tanginang gobyerno yan, kahit kailan talaga pahirap sa mga tao.

Anyway, pag-aaralan pa raw nila kung mabibigyan nila ako ng certificate of
employment. Yung barangay clearance, ako na ang maglalakad. Plano kong
bumalik ulit sa BIR Main. Hindi ko na lang sasabihin na sa Maynila ako
nagtatrabaho. Yung ninang ko na may business, binigyan ako ng TIN Forms.
Form 1901, take note. Para sa mga regular employees. May pipirmahan sa likod
ang employer ko. After nito, dumiretso ako sa barangay hall namin para sa
clearance. Hiningan ako ng CV para sa file. Medyo naiirita na ako sa puntong
ito. Isipin mo naman kung gaano ka-hassle ang buong prosesong ito, para
saan? Para gawin ko ang
aking role bilang mabuting mamamayan sa pagbabayad ng tamang buwis. Anyway,
tinanong ako nung babae sa barangay hall kung may TIN daw ako. NaFafalo ako
sa noo ko.

Whoooooo!!! ! I LOVE THIS COUNTRY!!!!!

Okay! So may clearance na ako! Humingi na ako ng certificate of employment
sa bosing ko, at pinapapirmahan ko na siya sa likod ng Form 1901 ko. Kaso
sabi niya, hindi raw puwede kasi wala ako sa roster of employees ng NCCA.
Project employee lang ako e. So tinanong ko kung puwede ibalik yung mga
kaltas sa akin, tutal ala naman akong TIN e, at ayaw akong bigyan ng
BIR,kaya pu@#$%*na sila, di ko bibigay pera ko sa gobyerno!

Ang problema, hindi raw puwede yun. Tuloy-tuloy ang kaltas sa suweldo ko.
Kapag hindi raw kasi kinaltasan, sila raw ang malilintikan kapag nag-check
ng expenses ang NCCA, makikitang! hindi binawasan ng suweldo ko. So tinawag
ngayon yung isang accountant ng NCCA para tulungan kami sa aming munting
problema. Hindi rin maintindihan nung accountant kung bakit hinihigpitan ako
ng BIR. Putsa, ako na nga ng magbibigay ng pera sa gobyerno, may gana pa
silang magpakipot. Sabi nung
accountant, yung kinaltas sa akin, mapupunta pa rin sa gobyerno, may TIN man
ako o wala, at hindi sa bulsa ng kung sinoman sa NCCA.

Well, dadaan muna sa gobyerno, sa BIR, bago mauwi sa bulsa ng isang
congressman, pero technically, alang problema dahil pagkahaba-haba man ng
prusisyon, sa simbahan pa rin ni s~tan~s ang tuloy. Ang difference
bale,kapag may TIN ako, dinedeclare ko lang na sa akin galing yung
kakaning-ibon na baryang portion ng pang-tip ni Mr.Congressman sa p*kpok
niya sa Pegasus.
Otherwise, mula kay Mr. Anonymous yung pang-tip niya.

Advise sa akin, sabihin ko na lang na freelance writer ako. Tutal, may
kaltas din naman daw kapag nag-freelance ka sa mga diyaryo. Tapos i-assert
ko raw na ako na ang pagbibigay ng pera sa kanilang mga letse sila kaya
dapat bigyan pa nila ako ng libreng chocolait at biskwet out of gratitude
mga hayop silang mga impakto sila.

Okay. So bumalik ulit ako sa BIR Main. As usual, ang pila lang ay yung sa
harap, kung saan nagtse-check yung sekyu ng bomba sa mga bag ng mga tao.
Anyway, babae na yung nasa desk ngayon. Pinakita ko na yung baranggay
clearance ko, at yung accomplished Form 1901 ko. Nung tinanong sa akin kung
saan ako nagwowork, inexplain ko na freelance writer ako kaya
wala akong regular employer, kaya walang nakapirma sa likod. Okay?

Okay. Hinde. sabi nung babae, since hindi ako regular employee, ibang form
dapat ang finill-up-an ko. At bigla siyang naglabas ng Form 1902 at binigay
sa akin.Whew, kinabahan ako dun a. Yung Form 1902, sabi niya, ay para sa mga
"mixed-income individuals," para sa mga taong hindi regular ang kita-
professionals, businessmen, at sabi niya, freelance writers.

Okay! Fill-up dito, fill-up dun, okay lang!!! Magkakaroon na ako sa wakas!
Inaabot ko na sa babae yung Form 1902! Eto na...

"Ummm, okay na? Ngayon, punta kayo sa West Ave.....Branch namin."

Nanlaki ang mata ko. Wow, nasira agad ang aking moment of triumph.

"Err! , hindi po ba puwede rito sa Main?"

"Hinde, kasi sa Project 6 ka nakatira. West Ave. Branch namin ang may hawak
sa inyo."

Naramdaman ko, ! parang umiikot-ikot ang paligid ko. Parang gumagaan ang ulo
ko, nanglalambot at naghihina ang tuhod ko. Bigla kong naramdaman ang isang
matinding pangangailangan na i-headbutt ang kausap kong babae sa desk. Sa
halip na isang headbutt,
nagtanong na lang ako.

"Puwede po bang ibang tao na lang ang maglakad nito para sa akin?"

"Oo, gawa ka ng authorization letter..."

Ah! Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib! Fafalakad ko na lang ito sa
nanay ko. hehehe. Paglabas ko, marami pa ring tsinecheckan ng bomba sa bag
sa harap. Ngayon alam ko na kung bakit. Ako rin gusto ko rin silang
bombahin.

Hindi ko pa rin mawari, nung araw na yun, kung ano pa talaga ang purpose ng
BIR Main. Nakangsiomai, dun sa maliliit na branches nila, siksikan ang mga
tao, milya-milya ang pila. Sa Main, ang lawak-lawak, pero di sila
nag-a-accomodate ng applications!

Sa kasamaang palad, hindi ako nakapagsulat ng authorization letter, at
masyadong busy ang nanay ko para ilakad ang TIN ko. Anyway, sabi niya sa
akin, may kaklase yung tita ko sa BIR West Ave. Kapag nagipit ako, hanapin
ko na lang yun. Okey. Sige. Isa pa, may Form 1902 na ako, baranggay
certificate, at yung excuse ng aking pagiging freelancer. Pila lang siguro
ang problema, pero okay na. Putsa, dapat okay na.

At nakarating din ako, isang araw, sa BIR West Ave. Sa second floor sila
nag-oopisina sa isang building. Masikip yung elevator dahil sa dami ng tao.

Narating ko na rin yung desk para sa TIN. Nung chineck nung babae dun yung
papeles ko, hinanap nila yung pirma ng employer. "Ay. Wala po. Freelance
Writer po ako e."

Napatingin sa akin yung babae, tinitigan ako sa mata na wari'y tinitimbang
ang mga salitang aking nasambit...

"Ano yung Freelance Writer?"

NaFafalo ako ulit sa noo.

"Ma'am, freelancer po ako. wala po akong regular na sahod. Binabayaran ako
per article na sinusulat ko. Hindi po ako regular employee kaya wala akong
certificate of employment."

Nung makitang Form 1902 ang dala ko, sinabihan pa akong maling form ang
bitbit ko, kaya inexplain ko pa na nanggaling na ako sa BIR Main, na Form
1901 ang dala ko dati pero sabi dun, mali raw ang 1901 para sa akin kaya
binigyan ako ng 1902 dahil freelance writer ako, at inirefer ako sa branch
nila.

Nakatitig sa akin yung babae, ninamnam ang bawat salitang sinambit ko...

"Ano yung Freelance Writer?"

Okay! Kulang ka ba sa iodized salt?

Ipinaliwanag ko ulit kung ano ang freelance writer, at nakatingin pa rin
siya sa akin na tila nambubullsh~t lang ako.

"Punta! ka na lang sa Officer of the Day."

"Umm. Saan po yun?"

"Sa Seventh Floor."

1...2...3...4...5...6...7...8...9...10... ayan... kumakalma na ko...
NAKANANGTOKWA!!!! ANG DAMING TAONG NAKAPILA SA ELEVATOR!!!
$#@*^%$%#!!!!!!!!Alang choice, tumakbo ako paakyat sa hagdanan mula 2nd
patungong 7th floor. Hingal na hingal ako nang lapitan ko ang Ofiicer of the
Day.

"Ma'am, pinaakyat po ako mula sa second floor..."

At ipinaliwanag ko yung nangyari, mula yung pagpunta ko sa BIR Main,
hanggang sa pagpunta ko sa ibaba kanina.

"Umm... at anong gusto mong gawin ko?"

Gumuho muli ang mundo ko, pero buti na lang may upuan sa likod ko.
Ipinaliwanag ko ulit.

"Oo nga. Sa second floor ang application ng TIN. Bakit ka pinaakyat sa
akin?"

Halos nagmamaka-awa na ako. "Ma'am, ala po ba talaga kayong magagawa?" At
inilahad ko ulit yung masasayang adventures ko sa BIR Main, sa BIR Port
Area, sa BIR Main, at sa BIR nila.

Awa ng diyos, may kinuhang chart yung ale, hinanap yung kategorya ko. Nung
makuha yung code, sinulat niya sa isang espasyo sa 1902 ko, sabay tatak.

"Ayan. Okay na yan."

Namagandai ako. Sincere!!! Halos mapaihi na ako sa tuwa. Matatapos na!!!

Kaso, putsa, ang daming taong naghihintay sa elevator. Walang choice, takbo
ulit ako sa hagdanan pababa.Pagdating dun, lalaki na yung nakaupo sa desk.
Pinakita ko ulit yung mga papeles ko.

"Saan ang Certificate of Employment mo?"

Nammannnnn!!!! Ano ba'to? Twilight Zone? Napasok ba ! ako sa isang loop?

"Bosing, hindi po ako regular employee e. Freelance writer po ako."

"Ano yun?"

NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

At ipinaliwanag ko ulit kung ano ang freelance writer, at ikinuwento ko yung
episode kanina, at yung episode sa BIR Main, etc.

"Ito kasing Form na ito, itong 1902, para sa mga may negosyo ito e."

"E yan po ang binigay ng BIR Main sa akin, dahil hindi regular ang sahod
ko!"

"May mayor's permit ka ba?"

Pikon na pikon na ako nun kaya hindi ako natawa, pero,talaga, grabe, comedy
ito, men. Wow.

"Hindi ko po kailangan ng mayor's permit! Writer lang po ako!"

Ineksamin ulit nung lalaki yung papeles ko.

"Ummm, propesyunal ka ba?"

"Opo."

"Anong propesyon mo?"

"Writer po."

"May lisesnsya ka ba?"

Sa isip ko- "HU-WAAAAAAATTTTTT!!!????"

Kung kumain ako ng bulalo kanina, malamang na-stroke na ako ngayon.

"HINDI NYO PO KAILANGAN NG LISENSYA PARA MAGING WRITER!!!"

Sabay follow-up ko ng:

"ANO BA KAYO? AKO NA MAGBABAYAD NG TAX SA INYO, PINAPAHIRAPAN NYO PA AKO!!!"
Deadma si lalaki. Nakatingin pa rin sa papeles ko, iniisip kung ano gagawin.
Kung pinapunta pa niya ako ulit sa Officer of the Day, i-he-headbutt ko
na'to talaga. Buti na lang-"O sige, irereceive ko ang forms mo, pero ang
alam ko dapat may kasamang papeles pa ito e. Pumila ka na lang dun..."

*haaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyy.......*

Kaso, sobrang haba ng pila, at sa takbo ng mga pangayayari ngayon, ayoko
nang maghintay ng isa't kalahating oras para lang mag-replay ng kuwentong
kung ano ang freelance writer, at kung bakit hindi ako regular employee.
Lumabas ako, pumunta ako sa
corridor. Pikon na pikon. Tinawagan ko nanay ko, tinanong ko yung pangalan
ng kaibigan dati ng tita ko sa highschool na nagtatrabaho ngayon dun. Okay,
nakuha ko na yung pangalan. Balik ako dun, tinanong ko yung sekyu kung saan
ang opisina nung babae.

"Sa seventh floor po."

Hindeeeeee!!!!! Pero sige, para lang magkaroon ng bunga ang paghihirap ko
ngayong araw na ito- may exodus ng tao sa harap ng elevator, kaya ayun,
inipon ko ang natitira kong lakas at hininga, at aking tinakbo muli ang
second to seventh floor sa hagdanan.

Pagdating sa taas, halos bumagsak sa lupa ang baga ko. Nagtanong-tanong ako
u! lit kung saan ang opisina nung bes-pren ng tita ko, hanggang sa mapunta na
ako sa gitna ng opisina nila. Sa wakas- "Ay! Diyan yung opisina nun, pasok
ka diyan."

Yehey!!!

"Ha? Ay! On-leave siya ngayon. Babalik siya sa January 2."

NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Hindi pa rin nauubos ang mga tao sa elevator, hindi ko maalala kung paano ko
tinakbo pababa ang first floor. Pikon na pikon ako, grabe. Pag-uwi, nakaubos
yata ako ng isang pitsel ng gulaman. Hinintay kong humupa ang tila-nuclear
holocaust ng galit sa loob ng dibdib ko.

Punyetang gobyerno ito!!! Letse!!! Hindi mahuli-huli yung mga tax
evaders,hindi mabigyan-bigyan ng TIN yung mga nagmamagandang loob na
magbayad ng buwis!!! Tangina, no wonder may lumolobo tayong mga deficit!!!
Syet!!! Ano nangyari sa iodized salt campaign ni Ramos!!!

Nung gabi, tinawagan ko si TJ, yung kasama ko sa trabaho, at kinuwen! to ko
lahat. Lagi ko kasing kinukuwento ang bawat installment ng aking BIR
adventures, at tulad ng isang epiko, grabe ang climax nung hapon na yun.

Syet. Hayop sa climax. Tinatawanan ko na lang, pero nung hapon na yun kaya
ko sigurong mangagat ng leeg. Tawa rin nang tawa si TJ, at ngayon, kuwento
niya, tawa rin nang tawa yung mga pinagkuwentuhan niya. Pati yung mga tao sa
tambayan namin, nung kinuwento ko, di rin makahinga sa katatawa.

Langya, baka maging urban legend pa ang buhay ko, in which case, sana puwede
kong i-video lahat, at lalagyan ko ng sumpa- ala "The Ring", tapos
Fafadalhan ko ng kopya yung mga tao sa BIR.

Naisip-isip ko na lang ngayon, paano nga kung kailangan mo ng lisensya para
magsulat. Isang physical manifesta! tion ng concept ng poetic license? haha!
Kung sa driver's license, may mga restrictions tulad ng "Vehicle up to 4500
KGS GVW" o kaya "Automatic clutch above 4500 KGS GVW", etc. paano kaya yung
sa "Poetic License" o "Writing License?"

I.Restrictions
1. Haiku and short essays only
2. Essays up to 500 words and Freeverse up to 5 stanzas
3. Essays above 500 words and Freeverse above 5 stanzas
4. Critical Essays, Short Fiction, Poetry ...etc.

Pero nag-digress na naman ako. Isang hapon, pagkatapos nung BIR episode,
dumaan ako sa tambayan namin sa UP.Nung makita ako ng mga kasama ko - "Jol!
Pumayat ka a! Grabe!" hehehe. Naalala ko yung jogging-jogging ko sa
building, at yung stress, at namagandai ako. Isang mapait at matamis na
n! giti.

At kinuwento ko kung bakit.

ps:
hanggang ngayon, wala pa akong TIN. Kuwento ni TJ, si Santi Bose raw,namatay
nang walang TIN. Nakakatakot.
_________________


silence can kill...


Reply with quoteView user's profileSend private messageYahoo Messenger


Back to top
 

chico


Dominating Posts: 194 Joined: 04 Jan 2007 gold

Posted: Sat Apr 28, 2007 1:31 am

Ring riiinnnnnggg....

"Hello"

"Hi honey, this is Daddy. Is Mommy near the phone?"

"No Daddy, she's upstairs in the bedroom with Uncle Paul.">

After a brief pause, Daddy says, "But honey, you haven't got an
Uncle Paul."

"Oh yes I do and he's upstairs in the bedroom with Mommy, right now."

After a brief pause. "Uh, okay then --- this is what I want you to do.

Put the phone down on the table, run upstairs and knock on the
bedroom door, and shout to Mommy that,

"DADDY'S CAR JUST PULLED INTO THE DRIVEWAY!"

"Okay Daddy, just a minute"!

A few minutes later the little girl comes back to the phone. "I did it
Daddy."

"And what happened honey?" he asked.

"Well, Mommy got all scared, jumped out of bed with no clothes on
and ran around screaming.

Then she tripped over the rug, hit her head on the dresser and now
she isn't moving at all!"

"Oh my God!! What about your Uncle Paul?"

"He jumped out of the bed with no clothes on too!

He was all scared and he jumped out of the back window and into the
swimming pool, but I guess he didn't know that you took out the water
last week to clean it. He hit the bottom of the pool and I think he's
dead."

**** Long pause *****

**** Longer pause *****

Then Daddy says, "Swimming pool?? .... Is this 486-5731?
_________________


silence can kill...


Reply with quoteView user's profileSend private messageYahoo Messenger


Back to top
 

chico


Dominating Posts: 194 Joined: 04 Jan 2007 gold

Posted: Sat Apr 28, 2007 1:44 am

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit
ginintuang butil ng payo na nakuha ko sa aking mga
magulang.
Kaya heto, aking ise-share sa inyo:


1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB
WELL DONE.
"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa
labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."


2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka
na!"


3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

4. At kay Inay pa rin ako natuto MORE LOGIC.
"Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang
magisa ang manonood ng sine."


5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig
sahibin ng IRONY.
"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng
iiyakan mo!"


6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang
CONTORTIONISM.
"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tignan
mo!!!"


7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig
sabihin ng STAMINA.
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo natatapos
yang lahat ng pagkain mo!"


8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang
WEATHER.
"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong
magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"


9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa
CIRCLE OF LIFE:
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito,
maari rin kitang alisin sa mundong ito."


10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR
MODIFICATION.
"Tumigil ka nga diyan! Huwag kang mag-i! narte na parang
Nanay mo!"


11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin
ng GENETICS.
"Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!"


12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong
ibig sabihin ng ENVY.
"Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo
nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad
namin?"


13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa
bahay!"


14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong
ibig sabihin ng RECEIVING.
"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"


15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang
HUMOR.
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong
lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at
lulumpuhin kita!"


16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina
Inay at Itay kung ano ang JUSTICE.
"Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak maging
katulad mo at magiging pasakit din sa ulo!"
_________________


silence can kill...


Reply with quoteView user's profileSend private messageYahoo Messenger


Back to top
 

`UnholY`


Read my sig.
Support Team Posts: 2349 Joined: 13 Jan 2007 gold

Posted: Sat Apr 28, 2007 2:50 am

quadruple post! world breaking record! too bored to read even a third of one of 'em. too long i'm guessing its copy pasta.
_________________


Sig Rule-3 lines of text max, 475x175 size


Reply with quoteView user's profileSend private message


Back to top
 

chico


Dominating Posts: 194 Joined: 04 Jan 2007 gold

Posted: Sat Apr 28, 2007 3:10 am

hahaha kaya nga para may mabasa lang... yup yung pangatlo korny
pero nasa tao naman yan.
madami pa sana akong paste (hehe) pero sige basahin nyo muna.
_________________


silence can kill...


Reply with quoteView user's profileSend private messageYahoo Messenger


Back to top
 

<killer_bakekang>


Warnings : 3 Godlike Posts: 1189 Joined: 12 Apr 2007 gold

Posted: Sat Apr 28, 2007 3:59 am

me too quatret what a new DS record 2so i'm bored to read it
_________________


thanx a lot to dark poenix



Reply with quoteView user's profileSend private messageYahoo Messenger


Back to top
 

<killer_bakekang>


Warnings : 3 Godlike Posts: 1189 Joined: 12 Apr 2007 gold

Posted: Sat Apr 28, 2007 4:03 am

soooo
_________________


thanx a lot to dark poenix



Reply with quoteView user's profileSend private messageYahoo Messenger


Back to top
 

`UnholY`


Read my sig.
Support Team Posts: 2349 Joined: 13 Jan 2007 gold

Posted: Sat Apr 28, 2007 5:42 am

you double posted again! now feel the mods wrath!
_________________


Sig Rule-3 lines of text max, 475x175 size


Reply with quoteView user's profileSend private message


Back to top
 

_noob28_


~Nienna Sakimatsu Anarion~™
Beyond Godlike Posts: 2730 Joined: 08 Dec 2006 gold

Posted: Sat Apr 28, 2007 6:43 am

Too long...
_________________



Reply with quoteView user's profileSend private messageAIM AddressYahoo MessengerMSN Messenger


Back to top
 

mjs


Dark Light
Godlike Posts: 1440 Joined: 11 Oct 2006 gold

Posted: Sat Apr 28, 2007 7:49 am

very long....
_________________



Reply with quoteView user's profileSend private message


Back to top
 

`UnholY`


Read my sig.
Support Team Posts: 2349 Joined: 13 Jan 2007 gold

Posted: Sat Apr 28, 2007 8:41 am

Quote:
short stories and jokes ENJOY!


they're supposed to be short?!
_________________


Sig Rule-3 lines of text max, 475x175 size


Reply with quoteView user's profileSend private message


Back to top
 

bau_HARRY


Monster Kill Posts: 309 Joined: 31 Aug 2006 gold

Posted: Sun Apr 29, 2007 8:49 am

"short stories" does not really mean that they are 'short' in the literal meaning of it being brief... >_<
_________________
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Reply with quoteView user's profileSend private message


Back to top
 

kaizer9


Hmmm...
Support Team Posts: 1348 Joined: 08 Aug 2006 gold

Posted: Mon Apr 30, 2007 9:56 am

i like the third part

and the first part seems very true

(lolz government service sucks)
_________________



Reply with quoteView user's profileSend private message


Back to top
 

bau_HARRY


Monster Kill Posts: 309 Joined: 31 Aug 2006 gold

Posted: Mon Apr 30, 2007 10:38 am

i just finished reading this...
its actualy very funny... hahahahaha lalo na yung first story.. kakatawa.!!! hahahahah Laughing
_________________
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Reply with quoteView user's profileSend private message


Back to top
 

chico


Dominating Posts: 194 Joined: 04 Jan 2007 gold

Posted: Fri May 04, 2007 9:26 am

@bau _harry, kaizer9
salamat sa pagapreciate

@mjs, unholy, killer_bakekang
kung mahaba sana di nyo binasa... naabala pa tuloy kau magpost ng msg dito.
hindi po ako nangaaway iam just making my point.just like the critics in our government hayz wala na ngang ginagawa nagrereklamo pa... (gobyerno po un)
enough...

Iba talga ang pulis pinoy!

Nagkaroon ng exam ang agencies ng USA para malaman kung sino sa mga agencies ang magaling mag execute ng man-hunt. Ang mga participants ay:
NYPD = New York Police Department, USA
FBI = Federal Bureau of Investigation, USA
CIA = Central Intelligence Agency, USA
PNP = Philippine National Police, Phil (Special International Guest Participant)

Isang puting rabbit ang papakawalan sa isang gubat. Each agencies will be given three (3) months to find the rabbit.

Unang grupong contestant, NYPD.
Pumasok sa gubat ang kanilang search and rescue squad, S.W.A.T., at pinalibutan ng mga police ang buong gubat. Ipinasok rin nila sa gubat ang kanilang detectives, at experts sa paghahanap ng nawawala.
After 3 months, lumabas ang NYPD sa gubat.
Nag release sila ng press statement, "After 3 months of intensive search for the white rabbit, we regret to inform you that because the rabbit has a head start, it was able to elude our units, and was able to pass through our dragnet. The rabbit has escaped."

Next ang FBI.
Pumasok rin sa gubat mga FBI, dala dala ang mga helicopters, mga sniffing dogs, at sari saring experts para hanapin ang rabbit.
After 3 months, lumabas ang FBI sa gubat.
Nag release rin sila ng press statement, "After 3 months of finding the white rabbit, we had some interesting leads. However, as we are closing in on its location, somebody must have tipped it off, and it was able to elude us by disguising as a deer. The rabbit has escaped."

Next ang CIA.
Pumasok ang CIA, at dahil meron silang special powers to request assistance from the US Military, dinala na rin nila ang US Army para tulungan sila sa paghanap.
After 3 months of firefight, bombing, and special operations, lumabas ang CIA sa gubat.
Sabi nila sa press statement, "We used everything at our disposal. We didn't left any stone unturned. We bomb everything in sight. I'm sure, you will not find any rabbit there anymore. He's probably scattered all around the forest in tiny little pieces!"

Last, but not least, the PNP.
Napatawa ang ibang agencies dahil ang pumasok lang sa gubat na PNP ay lima lang.
Pero laking gulat na lang nila dahil next day mismo, lumabas ang PNP, dala dala ay isang grizzly bear, na naka posas, bugbog sarado ang mukha, halos sarado ang isang mata dahil sa bugbog, dugu-an, at sumisigaw, "OO NA! OO NA!!! AKO ANG WHITE RABBIT!!! AKO ANG WHITE RABBIT!!!" Laughing Laughing Laughing
_________________


silence can kill...


Reply with quoteView user's profileSend private messageYahoo Messenger


Back to top
 
 
Reply to topic
Page 1 of 2    Goto page 1, 2  Next



View previous topic   View next topic
All times are GMT

Display posts from previous:    

You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum
You cannot attach files in this forum
You can download files in this forum


Jump to:  


DotaStrategy.com Forum Index    .    Joke Time
Subscribe to Feed