Joke Time        Page 1 of 1       

Mga Katanungan sa Buhay

DotaStrategy.com Forum Index > Joke Time > Mga Katanungan sa Buhay

Reply to topic
 

mv20vm


Chambermaid Posts: 1948 Joined: 11 Apr 2007 gold

Mga Katanungan sa Buhay

Posted: Mon Aug 13, 2007 12:09 am

Mga katanungan sa buhay




1. Ang squidballs ba ay bayag ng pusit?
Ang squidballs ay hindi bayag ng pusit ngunit
bayag ni Tiya Pusit.

2. Pwede bang uminom ng softdrink kapag coffee break?
Pwedeng uminom ng softdrink kung coffebreak ngunit
kailangan itong lagyan ng asukal at kopimeyt. Kopimeyt dapat
at huwag gatas.

(milk in my cereal, kopimeyt in my pepsi. sounds
good to me!)

3. Pwede bang gamitin ang a.m. radio pag gabi na?
Maari lamang gamitin ang a.m. radio kapag gabi
kung ang iyong pakikinggan ay ep.m.

4. Ang fire exit ba ay labasan ng apoy?
Ang fire exit ay ginagamit lamang bilang labasan
ng apoy kapag may sunog. Ito ang kanilang daan upang sila'y
makatakas o ang tinatawag na "fire escape".

5. Ang uod ba pag namatay ay inuuod din?
Ang tao kapag namatay ay hindi tinatao. Malamang
ang uod ay hindi rin inuuod. Kung ang tao ay inuuod kapag
nalagutan ng hininga, siguro ang uod kapag namatay ay tinatao.

6. Totoo bang ang mga manok na pinatay sa Jollibee ay
masasaya kaya sila tinawag na chicken joy?
Ang mga manok na pinatay sa Jollibee ay masaya
kung kaya't sila'y tinawag na chicken joy. Ngunit hindi
kinakailangang sa jollibee patayin ang manok upang ito ay maging
masaya... angmga manok ay nagiging masaya kapag sila ay may
kasama sa buhay. Kapag ito ay nag-iisa lamang, ito ay hindi
chicken joy kundi ...mcchicken singles. (Ang pinakamasayang manok sa
lahat ay iyong 6 pc. chicken mcnuggets o tinatawag na
"orgy" sa inggles)

7. Mayroon bang kahit isang langgam na mahilig sa maalat?
Alam na ba ninyo iyong patawa na "itlog maalat"?
Nakagat ako minsan ng langgam..... .. kung nakagat ka na ng
langgam sa itlog, ibig sabihin marami ring langgam mahilig sa
maalat.

8. Kung ang 7-11 store ay bukas 24 hrs a day , 7 days
a week , at 365 days a year. Bakit may lock pa ang pinto
nila? Bakit?

Bakit?
Dalawa ang dahilan. Una, may coffee break (tingnan
ang katanungan bilang 2 hinggil sa maaaring inumin kapag coffe
break) din naman ang mga nagtatrabaho sa 7-11. Pangalawa, mayroon
tayong tinatawag na leap year.

9. Bakit di mataas ang highway?
Dahil kung mataas ang highway, walang paglalagyan
ng skyway.

10. Ba't alang lumilipad na sasakyan sa flyover?
Hindi lang natin nakikita ang mga nagliliparang
sasakyan sapagkat hindi tayo tumutingala kapag tayo ay nasa flyover.
Ang pagsalin ng dayuhang salita na flyover sa katutubong wika ay
"fly"-lipad, "over"-sa ibabaw. Ibig sabihin nito na ang mga kotse ay
hindi lumilipad sa flyover ngunit sa ibabaw ng flyover. Ngayon kung titingala
ka naman kapag ikaw ay nasa flyover ang tangi mong makikita ay
ang kisame ng iyong sasakyan. Alam kong wala sa inyong mayroong
sasakyan na Miata, Boxster, Kompressor, Z3, Z8 at kung ano-ano pang
kotseng pang-mayaman kaya't huwag na kayong magpumilit
mamilosopo.. . ako lang ang may karapatan. Kung idadahilan niyo naman na
mayroon kayong sunroof, hanapin ninyo ang inyong tinatawag na
"sense of humor".

Namamatay ng maaga ang palaging seryoso.


_________________


Reply with quoteView user's profileSend private message


Back to top
 

mjs


FIMBULVETR
Godlike Posts: 1519 Joined: 11 Oct 2006 gold

Posted: Wed Aug 15, 2007 11:25 am

hehe
_________________



Reply with quoteView user's profileSend private message


Back to top
 

mv20vm


Chambermaid Posts: 1948 Joined: 11 Apr 2007 gold

Posted: Thu Aug 23, 2007 5:48 pm

Smile
_________________


Reply with quoteView user's profileSend private message


Back to top
 

RaikaLuvsMe1


Dominating Posts: 116 Joined: 19 Jun 2007 gold

Posted: Fri Dec 07, 2007 1:14 pm

Super funny and humorous jokes!
_________________





(The) Elite Warlord, my LAN name. Smile


Reply with quoteView user's profileSend private messageAIM AddressYahoo MessengerMSN Messenger


Back to top
 

AXCELACCEL


Mega Kill Posts: 721 Joined: 12 Jul 2007 gold

Posted: Fri Dec 07, 2007 2:34 pm

^_^
_________________
"SPEED DETERMINES THE WINNER"



Reply with quoteView user's profileSend private message


Back to top
 
 
Reply to topic
Page 1 of 1    



View previous topic   View next topic
All times are GMT

Display posts from previous:    

You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum
You cannot attach files in this forum
You can download files in this forum


Jump to:  


DotaStrategy.com Forum Index    .    Joke Time
Subscribe to Feed